Luha ng Buwaya Ni Amado V. Hernandez
Kagagaling
ni Badong, guro sa Sampilong, sa opisina ng Superindente sa kabisera ng
lalawigan sapagkat tinagubilinan siyang manupang pansamatalang
prinsipal sa kanilang nayon samantalang nagbabakasyon ang
talagangprinsipal, si Maestro Putin. Dinalaw ni Badong si Pina, ang
pinakamagandang dalaga sa nayon at anak ni Mang Pablo na pangulo ng PTA at
sinusuyo ni Badong upang makipagbalitaan at magpalipad hangin ukol sa
kanyang pagibig . Nalaman ni Badong na may pabatares sa pagapas kinabukasan si
Mang Pablo. Sa gapasan, naging masaya ang mga manggagapas kait na lumabas si
Donya Leona Grande, ang may ari ng pinakamalawak ng lupang sakahin sa
Sampilong. Napakahigpit sa kasama si Donya Lena.
Nang
ipaghanda sa bahay – asyenda ang dalawang anak ni Donya Leona, si Jun na
nagtapos ng medisina at si Ninet na nagtapos naman ng parmasya, ang mga
kasamang babae at lalaki ay hugos din sa bahay na bato sa pagtulong
sa mga gawain at sa pagsisilbi sa mga panauhin. Naganap sa kasayahang ito ang
kaguluhang kinasasangkutan ni Andres, isang iskuwater na nakita sa pook
na tinaguriang tambakan. Nagawi sa Sampilong si Andres mula sa
Maynila noong panahon ng Hapones sapagkat natandaang Sinabi ng yumaong ina na
may kamag-anakan sila sa Sampilong. Nang matapo ang digmaan si Andres
at ang kanyang mag-ina ay hindi na nagbalik pa sa Maynila.
Nakilala
nang lubusan ni Badong si Andres nang ipinasok nito sa grade one ang anak
na sampung taon. Inamuki ni Badong si Andres na magtayo ng cottage
industries sa kanilang pook na mga eskuwater ngunit pagkatapos lamang
na ayusin at linisin nila ang kanilang. Pumayag si Andres at ang mga eskuwater
sa mungkahi ni Badong.
Bumuo
ng isang samahan ang mga magsasaka at si badong ang tagapayo nito.
Isinumbong ni Dislaw, ang engkargado at badigard ni Don Severo Grande, ang
unyon ng mga magsasaka. Ikinagalit iyon ni Donya Leona lalo na
nang tanggapin nito ang manipesto ng mga kahilingan ng mga
magsasaka. Tumanggi si Donya Leona sa mga kahilingan ng mga magsasaka at ang
mga ito naman ay tumangging gumawa sa kanilang mga saka.
Samantala’y nalinis
at naayos nina Andres ang pook ng mga eskuwater at tinawag nilang Bagong Nayon.
Sa tulong ni Badong, lumapit sila ni Andres sa Social Welfare Administration.
Nangalap sila ng pondo mula sa mga kanayon at sinimulan nilang itayo ang
kooperatiba ukol sa industriyang pantahanan.
Ngunit
ang Bagong Nayon ay sinimulang kamkamin ni Donya Leona. Pagkatapos kausapin ang
huwes ng bayan, isinampa ng mga Grande ang habla at ang ginamit na tanging
ibedensiya ay isang lumang dokumento ng pagmamay-ari. Kinasapakat di Donya
Leona ang alkalde na pinsan ni Donya Severo at ang hepe ng pulisya na inaanak
naman sa kasal ng asawang Grande.
Lumaban
ang mga eskuwater sa pamumuno ni Andres. Ang samahan ng mga magsasaka at ang
kooperatiba ng mga eskuwater ay nagsanib sa tulong ng Badong sila ay nakakuha
sa Maynila ng isang abogadong naging kaibigan ni Badong noong nag-aaral pa
siya sa Maynila.
Sa
isang pagkakataon , nakatagpo ni Andres si Ba Intern na pinakamatandang
tao sa nayon. Sa pagtatanong ni Andres sa matanda, natiyak ni Ba Inern na
si Andres ay apo sa tuhod ng yumaong mabait na kabesang Resong ng Sampilong. Mayaman
sa Sampilong ang nuno ni Andres ngunit ng mamatay itoay napasalin sa mga
magulang ni Donya ang mga aring lupa nito bago namatay . Sa pagtatanong ni
Andres sa kanilang abogado. Nalaman niyang maaari pa niyang habulin ang lupa at
pagbabayarin ng pinsala ang mga Grande.
Sa
utos ni Donya Leona, naigawa ng kasong administratibo si Badong. Si Dislaw
na karibal ni Badong kay Pina at si Hepe Hugo ng pulisya ang nakalagda sa
sumbong. Nang dumating ang pasukan isang bagong prinsipal, si Mr. Danyos, ang
dumating Sa Sampilong.
Noong
sinagot ni Pina si Badong. Pinagtakaang halayin ni Disla si Pina, mabuti na
lamang at dumalaw Si Badong na kung hindi naawat ng mga dumalo ay baka napatay
si Disla. Sa nangyari, pinaluwas ni Donya Leona sa Maynila si Dislaw.
Sa
gabi lihim na ipinahakot ni Donya Leona sa mga trak ang mga palay niya sa
kamalig at ipinaluwas sa Maynila upang ipagbili sa Instik. Isang umaga nagisnan
na lamang ng Sampilong na nasusunog ang kamalig ng mga Grande. Ibinintang ang
pagkasunog ng kamalig sa mga pinuno ng unyon ng mga magsasaka at sa mga
pinuno ng unyon ng mga magsasaka at sa mga pinuno ng kooperatiba ng mga
eskuwater. Salamat na lamang at ang mayordoma sa bahay ng mga Grande, Si Iska
ay nagalit kay Kosme na mangingibig niya at siyang inutusan ng Donya na sumunog
sa kamalig, dahil sa hindi siya ang isinama ni Kosme sa Maynila kundi si Cely
na kapatid ni Dislaw. Ipinagtapat ni Iska kay Sedes na asawa ni Andres ang
lihim at ipinagtapat naman ni Sedes kay Badong.
Nahuli
si Kosme at umamain sa kasalanan. Isinugod pa ni Andres ang paghabol sa
hukuman sa lupa niyang kinamkam ng mga Granda. Dahilan sa kahihiyang
tinamo , hinakot ng mga Grande sa Maynila ang mga kasangkapan at doon na
nagpirmi. Sa Maynila, si Donya Leona ay nagkasakit at alta presyonat naging
paralisado nang maataki. Si Don Severo naman ay nagkasakit ng
matinding insomya.
Samantala,
napawalang saysay ang hablang administratibo laban kay Badong at tiniyak ng
superintende na siya ang ilalagay na prinsipal sa Sampilong sapagkat
aalisin doon si Danyos dahil sa hindi makasundo ng mga guro at ng mga
magulang ang mga bata.
Namanhikan
sina Badong kina Pina at may hiwatig na siya ay ikakanditato pang alkalde ng
kanyang mga kanayon sa susunod na halalan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento