Lunes, Hunyo 17, 2013

Walang Panginoon (Deogracias A. Rosario)

Walang Panginoon
(Deogracias A. Rosario)

Nang makita ni Marcos sa kanilang lumang orasan na ang mahabang hintuturo ay malapit nang sumapit sa ika-12 samantalang nakapako na sa ika-8 ang maikling daliri, hindi niya malaman kung saan magtutungo. Isinisiksik ang kanyang ulo kahit saan, saka ang dalawa niyang hintuturo ay ipapasak sa mga butas ng kanyang tainga.

Ayaw niyang marinig ang animas. Ayaw niyang mapakinggan ang malungkot na palo ng bakal sa malaking kampanang tanso sa kampanaryo ng simbahan sa kanilang bayan. Gayunman, kahit na saan siyang magsiksik, kahit na saan siya magtutungo, kahit na anong gawin niyang pagpapasak sa kaniyang tainga ay lalong nanunuot sa kaniyang pandinig ang malungkot na tinig ng batingaw.

“Tapos na ba? Tapos…” ang sunud-sunod niyang tanong na animo’y dinadaya ang sarili kung wala na siyang nauulinigang ano mang taginting ng kampana.

“Tapos na. Tapos…” ang sunud-sunod namang itinugon ng kanyang ina paniwalang-paniwala hindi nga naririnig ang malungkot na animas.

“Ngunit Marcos..” ang baling uli na matandang babae sa anak. “Bakit ayaw mong marinig ang oras na ukol sa kaluluwa?” iya’y pagpapagunita sa mga tao na dapat mag-ukol ng dalangin sa ikaluluwalhati ng mga kaluluwang nasa kabilang buhay. Lalo ka na Marcos, marami kang dapat ipagdasal. Una-una’y ang iyong ama,ikalawa’y ang kapatid mong panganay, ikatlo’y ang kapatid mong bunso, saka… saka si Anita.” Ang hul;ing pangalan ay binigkas na marahan ng matandang babae.

Si marcos ay di kumibo. Samantalang pinararangalan siya ng kaniyang ina, ang mga mata niyang galing sa pagkapikit kaya’t nanlalabo pa’t walang ilaw ay dahan-dahan siniputan ng ningas, saka manlilisik at mag-aapoy.

Hindi rin siya sumasagot. Hindi rin siya magsasalita. Subalit sas kanyang sarili, sa kanyang dibdib, sa kanyang kaluluwa ay may nangungusap may nagsasalita.

“Dahil din sas kanila, lalung-lalo na kay Anit, ayaw kong marinig ang malungkot na tunog ng batingaw,” ang sinasabi ni Marcos sa sarili. Kinagat niya ang labi hanggang sa dumugo upang ipahalata sa ina ang pagkukuyom ng kanyang damdamin.

Akala nang ina’y nahulaan niya kung ano ang nasa loob ni Marcos. Sa wari ng matandaay nabasa niya sa mga mata ng anak ang lihim ng puso nito. Naisip niyang kaya nalulungkot si Marcos ay sapagkat hindi pa natatagalang namatay si Anita, ang magandang anak ni Don Teong, mayamang may-ari ng lupa nilang binubuwisan. Nalalaman ng ina ni Marcos na lahat ng pagsisikap nito sa bukid, lahat ng pagpupunyaging matuto sa pamamagitan ng pagbabasa, lahat ng pag-iimpok na ginawa upang maging isang ulirang anak-pawis ay ukol kay Anita. At saka namatay! Nararamdaman din ng ina ni Marcos kung gaano kakirot para sa kanyang anak ang gayong dagok ng kasawian. Dapat ngang maging malungkutin ang kanyang anak. Ito ang kanyang ibig libangi. Ito ang nais niyang aliwin. Kung maari sana’y mabunutan ng tinik na subyang sa dibdib ang kanyang anak.

“Lumakad ka na, Marcos, sa kubo nina Bastian. Tila may belasyon sila, o, baka kailanganin ang mabuting mang-aawit at manunugtog ng gitara.” “Si Inang naman,” ang naibulalas na lamang ni Marcos. Iyan lamang ang kanyang nasabi nang malakas. Sa kanyang sarili’y naidugtong niya na hindi masusukat ng kanyang ina kung gaano kapait para sa kanya ang pagkamatay ni Anita, palibhasa’y lingid sa kaalaman ng matanda ang tunay na nangyayari sa pagkamatay nito.

“Kung nalalaman lamang ni Inang ang lahat,” ang nasabi niya uli sa kanyang sarili samantalang minamasdan niya ang kanyang ulilang bituin sa may tapat ng libingan ng kanilang bayan na ipinalalagay niyang kaluluwa ni Anita, “ disi’y hindi ako itataboy sa kasiyahan.

Pinag-usapan pa lamang ng mag-ina nang umagang yaon ang malaki nilang kapalaran sapagkat mabuti ang lagay ng tanim nilang palay, nang isang utusan sa bahay-pamahalaan ang dumating na taglay ang utus ng hukumang sila’y pinaalis sa kanilang lupang kinatatayuan , at sinamsamsam ni Don Teong na ama ni Anita ang lahat ng lupa nilang sinasaka.

“Inang, matalim ba ang itak ko?” ang unang naitanong ni Marcos sa ina matapos matunghayan ang utos ng hukuman.

“Anak ko!” ang palahaw na panngis ng matandang babae sabay kapit sa leeg ng anak. “Bakit ka mag-iisip ng gayon, sa tayo na lamang dalawa ang nabubuhay sa daigdig?”

Ang tinig ng matanda ay nakapagpapalubag sa kalooban ng binata. Gayon man, sa harap ng bagong pithaya ng may-ari ng lupang kanilang binubuwisan, ay isa- isang nagbabalik sa alaala niya ang malungkot na kasaysayan ng kanilang lupang sinasaka.

Ang sabi’y talagang sa kanunununuan ng kaniyang ama ang naturang lupa. Walang sino mang sumisingil ng buwis at walang sino mang nakikialam sa ano mang bunga ng kanilang mga tanim, maging mais o tubo, o kaya’y maging ano man sa mga gulay na tanim nila sa bakuran.

Subalit nang bata pa ang kanyang ama ay may nagpasukat ng lupa at sinasabing kanila. Palibhasa’y wala silang maibayad sa manananggol, ang pamahalaan ay nagkulang ng malasakit sa kanilang karalitaan upang tangkilin ang kanilang karalitaan upang tangkilin ang kanilang katwiran at karapatan. Sa wakas ay napilit silang mamuwisan nang di nila makuhang umalis doon.

Noong bata pa si Marcos, ang bayad nila’y isang salapi lamang isang taon sa bawat ektarya ng lupang kanilang sinasaka. Subalit habang nagtatagal ay unti-unti na silang nababaon sa pagkakautang sa may lupa dahil sa mga kasunduang ipinapasok sa pana-panahon, gaya ng takipan at talindawa.

Kaya namatay ang ama ni Marcos ay dahil din sa malaking sama ng loob ng kay Don Teong. Ang kapatid niya’y namatay dahil sa paglilingkod sa bahay nito at higit sa lahat, nalalaman niyang kaya namatay si Anita ay sapagkat natutop ng amang nakipagtagpong minsan sa kanya sa loob ng halamanan, isang gabing maliwanag ang buwan.

Saka ngayo’y paalisin naman sila sa kanilang bahay at lupang binubuwisan?

Si Anita ay lihim na naging kasintahan ni Marcos, maging isang taon noon. Sapul nang dumating si Anita sa kanilang bayan buhat sa pag-aaral sa isang kolehiyo ng mga madre sa Maynila, si Marcos ay nagsimpan na ng mallaking pag-ibig sa kanya. Alam ni Marcos ang kanyang lkalagayan na halos ay lumaki sa ibabaw ng kalabaw at sa pagtikin sa kanilang lamo sa ilog.

Si Marcos ay natapos lamang ng katesismo sa iskwelahan sa silong ng kumbento sa kanilang bayan at natutong sumulat sa pisara ng malaking numero. Ngunit gayon man, nagsikap siyang idilat ang kanyang mga mata sa liwanag ng kabihasnan at pagkaunlad. Katutubo kay Marcos ang hilig sas pagkatuto sapagkat sa pabanib niya sa mga samahang pambayn ay natuklasan niyang walang mabuting paaralan kundi ang pahayagan. Walang aklat, walang pahayagan at lingguhan sa sarilng wika na hindi binabasa ni Marcos. Kahit manghiram lamang kung wala na siyang ibili. Nagbabasa rin siya ng nobela at ibang akdang katutuhan niya sa wikang Tagalog, o kaya’y salin sa wikang ito.

Lalo na ng magsimpan siya ng pag-ibig kay Anita, wala siyang inaalagata sa kanyang buhay kundi ang balang araw ay maging karapat-dapat sa mga kamay ng anak ni Don Teong na may-ari ng lupa nilang sinasaka. Isa pa’y bukod sa naniniwala siya sa kasabihang “ang lahat ng tao, kahit hindi magkakulay ay sadyang magkapantay,” ay tinatanggap din niya ang palasak na kawikaang “ ang katapat ng langit ay pusalian”. Dahil diyan kahit bahagya ay hindi siya nag-atubili nang pagsisimpan ng pag-ibig kay Anita.

At naibig naman siya ng anak ni Don Teong. Bakit hindi siya maiibig? Minsa si Anita ay namangka sa kanilang ilog, gumiwang ang bangka at nahulog sa tubig. Si Marcos noon ay nasa lamo at lihim niyang sinusundan ang bakas sa tubig ni Anita. Nang makita niya ang malaking sakuna ay lumundag siya sa ilog at sa pamamagitan ng langoy na hampastikin ay inabot niya si Anita na kumakamot sa ilalim ng ilog. Matapos niyang kalawatin ang kaliwa niyang bisig sa may baba ang dalaga ay bigla niyang isinikdaw ang dalawang niyang paa sa ilalim kayat pumaibabaw sila, at sa tulong ng pagkampay ng kanyang kamay at pagtikad ng dalawa niyang paa ay nakasapit sila sa pampang.

“Marcos, matagal na rin kitang iniibig,” ang tapat ni Anita sa binata., makaraan ng may ilang buwan buhat nang siya’y mailigtas.

Tatlumpung araw ang taning sa mag-ina upang lisanin ang lupang lisanin ang lupang gayong ang sabi ay ari ng kanilang mga ninuno ay binubuwisan na nila at sinamsam pa ngayon. At saka silang mag-ina ay itataboy. Sino ang hindi magdadalang-poot sa gayung kabuktutan?

Dahil sa kanyang ina, natutong magtiim si Marcos ng kanyang bagang. Kinagat niya ang kanyang labi upang huwag mabulalas ang kanyang galit. Kinuyom niya ang mga kamay hanggang matimo sa palad niya ang kanyang mag kuko.

Isang takipsilim nang marinig niya sa kampanaryo ng kanilang simbahan ang malungkot na agunyas. Una muna ang malaking kampana saka sumunod ang maliit. Bang! Teng! Bang! Teng! Babae ang nalagutan ng hininga. Mliit naman ang kanilang bayan upang malihaim pa kung sino ang binawian ng buhay. Wala siyang nalalamang may sakit kundi si Anita. Dahil sa pagkakatutop sa kanila isang gabi, ang dalaga ay sinaktang mabuti na ayon sa sabi ng nagbalita kay Marcos ay mata lamang ang walang latay.

Buhat noon ay nagkasakit si Anita. Araw-araw ay tumatanggap si Marcos ng balita nang tangkain niyang dumalaw na minsan ay hinarang siya ni Don Teong na may hawak na rebolber. Susuong din sana si Marcos, subalit nagdalawang-loob siya. Maaring maging dahilan iyon ng bigla pang pagkamatay ng kanyang inibig, bukod sa magiging subyang sa kanyang ina kung siya ay mawala.

Ang huling dagok na ito sa kanya ni Don Teong ay isinama lamang niya sa talaan ng pagmamalupit sa kanya ng mayamang may-ari ng lupa nilang binibuwisan. Pangangagaw ng lupa sa kanila. Pagpapautang ng patung-patong. Pagkamatay ng kanyang ama. Pagkamatay ng kanyang kapatid. At saka noon pagtatangka sa kanyang buhay. Pinakahuli nga ang pagkamatay nang tuluyan ni Anita, na ayon sa balita niya’y nalagutan ng hininga na siya ang tinatawag. Saka nitong huli, ay pagpapaalis sa kanilang lupang kinagisnan at pinagyaman sa tulong ng kanilang pawis na mag-anak.

Ngunit si Marcos, isang manggagawang hubog sa palihan ng bagong panahon, ay lumaki ang puso sa pagtitiis. Naging maluwag nga ang kanyang dibdib sa pagtanggap ng pang-aapi ng may-lupa. Hanggang noong bago mamatay si Anita, akala niya’y maari pa siyang makalunok ng bagong pag-upasala ng itinuturing niyang panginoon. Datapuwat nang tanggapin niya ang utos ng hukuman na pinaalis siya roon, talagang nagdilim ang kanyang isip. Noon pa’y naisip na niyang gawing batas ang kanyang kamay, yamang hindi na niya matatamo ang katarungan sa hukuman ng mga tao.

“Huminahon ka, anak ko,” ang sabi ng kanyang ina. “Hindi natutulog ang Bathala sa mga maliit. Magtiis tayo.”

Hindi na niya itinuloy ang paghahanap sa kanyang itak na matalas. Pagkakain niya ng agahan, nilibang niya ang kanyang ina saka lumabas sa bukid. Gaya rin ng dati’y sinakyan niya ang kanyang kalabaw na lalong mahal niya sa lahat ng limang alaga niya. Llumabas siya sa bukid at hinampasan niya ng tanaw ang karagatan ng namumulang ginto. Pagdaramdam at panghihinayang ang ngumangatngat sa kanyang puso. Gaaanong pawis ang nawala sa kanya upang masaka ang naturang bukid? Gaanong pagod ang kanyang pinuhunan upang ang palay nila’y magbungng mabuti? Saka ngayo’y pakikinabangan at matutungo sa ibang kamay?

Napapalatak si Marcos sa ibabaw ng kanyang kalabaw. Ibig man nyang magdimlan ng isip kung nagugunita ang utos ng hukuman, subalit ang alaala ng kanyang ina’y walang iniwan sa bahagharing sumusugpo sa nagbabalang unos. Dadalawa na lamang sila sa daigdig upang huwag niyang pabayaan ang kaniyang ina; ipinangako niyang hahandugan ng kaligayahan ang nalalabing buhay, bago nalagutan ang kanyang ama.
Dahil nga sa kanyang ina, kaya naisip niya ang kabutihan kung sila’y nagsasarili. “Tutungo tayo sa hilag at kukuha ng homestead. Kakasundo tayo ng mga bagong magsasaka; paris ni Don Teong, di kailangan magkaroon din ako ng gayak na paris niya.”

Kabalintunaan man ang sinabi ng anak ay hindi na nag-usisa ang ina. Wala siyang nalalaman kundi takipsilim, kung nakaligpit na ang mga tao sa nayon, ang buong kagayakan ay isinusuot ng kanyang anak saka lumalabas sa bukid. May dalawang linggong gayon nang gayon ang ginagawa ni Marcos, hanggang isang araw ay tawagan siya ng pansin ang matanda.

“Marcos,” sabi ng matanda. Dalawang linggo na lamang ang natitira sa ating taning ay hindi mo ginagawa ang pakikipagtuos kay Don Teong. Kung may magiging sukli man lamang tayo sa ating ani ngayon?”

“Huwag ka pong mabahala, Inang,” sabi ng mabait na anak, “nalaglag po ang dahon sa kanyang kapanahunan.”

Talinghaga na naman ang sinabi ni Marcos. Gayon man ay may nagunita siyang isang bagay na ibig niyang malaman sa anak.

“Bakit hindi mo iniuwi ang kalabaw sa bakuran mo?” tinutukoy ang kalabaw na mahal na mahal ni Marcos. Maaring magpakahinahon si Marcos, subalit ang huling kapasyahan ni Don Teong ay numakaw ng lahat ng kanyang pagtitimpi. Ayaw niyang gumamit ng dahas, subalit hinihingi ng pagkakataon.

Nagunuta niya ang sinabi Rizal na “walang mang-aalipin kung walang napaalipin”. Napahilig siya sa harap ng gayong masaklap na katotohanan. Patung-patong na ang ginagawang pamamaslang sa kanya ni Don Teong na takalang dapat nang kalusin. Nagunita rin ni Marcos ang marami pang ibang kasama, katulad din niya, na sa kamay ng mayamang si Don Teong ay walang iniwan sa mga leeg ng manok na unti-unting sinasakal hanggang makitil ang hininga sa hangad na mahamig na lahat ang kkayamanang gayong minana sa kanilang mga ninuno ay iba ngayon ang may-ari at nagpapabuwis pa.

“Kailangang maputol ang kalupitang ito!” ang tila pagsumpa sa harap ng katalagahan na ginawa ni Marcos.

“Bakit ka bumili ng pulinas, gora, suwiter at latigo,anak ko?” ang tanong ng matanda kay Marcos, isang araw na dumating siyang pagod na pagod sa naturang dala-dalahan.

“Inihahanda ko po iyan sa pagiging panginoon paris ni Don Teong,” ang nakatawang sagot ng anak. “Kung tayo po’y makaalis na rito di tayo’y magiging malaya,” ang tila wala sa loob na tugon ng anak.

Ang tototo, ang naturang kalabaw ni Marcos ay nakapugal sa hangganan ng lupang sarili ni Don Teong. Kung takipsilim ay isinusuot na lahat ni Marcos ang pulinas, gora, switer at sak adala ang latigong katulad ng pamalo ni Don Teong. Pagdating niya sa pook na kinapupugulan ay saka aasbaran ng palo ang kalabaw hanggang sa ito’y umungol na ang alingawngaw ay abot hanggang sa kalagitnaan ng bayan. Kung di niya nakitang halos apoy ang lumalabas sa dalawang mata ng hayop ay hindi pa niya ito titigila. Sa gayon ay matulin ay matulin siyang nagtatago upang umuwi na siya sa bayan. Kung dumarating siya’y daratnan niya nag kaniyang inang matuwid ang pagkakaluhod sa harap ng maitim na Santo Kristo sa kanilang silid na naiilawan ng isang malaking kandila.

“Salamat, anak ko, at dumating ka,” ang sasabihin na lamang ng matanda. “Akala ko’y napahamak ka na.”

Si Don Teong ay ugaling maglibot tuwing hapon sa paligid-ligid ng kaniyang lupa, ang ipinanganib ng ina ni Marcos ay baka magkasalubong si Marcos at ang kanilang panginoon, ay hindi makapagpigil ang sinuman. Nalalaman din ng matandang babae na laging dalang rebolber sa beywang ang mayamng asendero buhat ng magkaroon ng alitan dahil sa lupa, kaya lagi niyang inaalala ang pagalis-alis ni Marcos.

Subalit isang hapon samantalang payapang inihahanda ng mag-ina ang kanilang pag-alis, walang iniwan sa putok ng bulkan ang balitang kumalat sa bayan na si Don Teong ay namatay sa pagkasuwang sa kalabaw. Sinabi ng mga nakakita na pagkakita kay Don Teong ay tila may sinisimpang galit sapagkat bigla na lamang sinibad ang mayamng matanda at nasapol ang kalamnan ng sikmura ng matulis na sungay ng hayop. Pagkasikwat sa katawan ng asendero ay tumilapon pa sa itaas at paglagpak ay sinalo naman sa kabilang sungay.

Ang katawan ni Don Teong ay halos lasug-lasog nang iuwi sa bayan at wasak ang switer sa katawan at saka pulinas. Kumilos agad angkapangyarihan upang gumawa ng kailangang pagsisiyasat subalit ang lahat ng matuwid ay nawalan ng halag sa hindi kumikilos na ayos ng kalabaw na animo’y wala sa loob ang ginawa niyang napakalaking pagkakasala.

Nang malamang kay Marcos ang kalabaw, bawat isa’y nagkatinginan. Hindi nila malaman kung papaanong ang poot ni Marcos kay Don Teong ay nagtungo sa alaga niyang hayop.

Si Marcos ay nakatingin din sa orasan ng gabing yaon. Tatlong minuto na lamang ang kulang sa ika-8 ng gabi. Hindi siya gumagalaw. Hindi siya nababahala.

Tumugtog ang animas. Hindi gaya ng dating ayaw niyang marinig. Sa halip na idalangin ang kaluluwa ng mga namatay, ang naisip niya’y ang matapang na kalabaw.

“Mapalad na hayop na walang panginoon,” ang kanyang naibulong.
l � l b P� f� abi ang ganito : “Mabuti…mabuti gaya ng sasabihin nitong Fe-lyon lamang nakararanas ng mga lihim na kalungkutan ang maaaring makakilala ng mga lihim na kaligayahan. Mabuti, at ngayon, magsimula sa ating aralin…”

Natiyak ko noon, gaya ng pagkakatiyak ko ngayon na hindi akin ang pangungusap na iyon, ni sa aking mga pagsasalita, ni sa aking mga pagsusulat. Ngunit samantalang nakatitig siya sa akin ng umagang iyon, habang sinasabi niya ang pangungusap na iyon, nadama kong siya at ako ay iisa. At kami ay bahagi ng mga nilalang na sapagkat nakaranas ng mga lihim na kalungkutan ay nakakikilala ng mga lihim na kaligayahan.
At minsan pa, nang umagang iyon, habang unti-unting bumabalik ang dating kulay ng kanyang mukha, muli niyang ipinamalas ang mga nagtatagong kagandahan sa aralin naming sa Panitikan. Ang karikatn ng katapangan; ang kariktan ng pagpapatuloy anuman ang kulay ng buhay.

At ngayon, ilang araw lamang ang nakararaan buhat nang mabalitaan ko ang tungkol sa pagpanaw ng manggagamot na iyon. Ang ama ng batang iyong marahil ay magiging isang manggagamot din balang araw, ay namatay at naburol ng dalawang gabi at dalawang araw sa isang bahay na hindi siyang tirahan ni Mabuti at ng kanyang anak. At naunawaan ko ang lahat. Sa hubad na katotohanan niyon at sa buong kalupitan niyon ay naunawaan ko ang lahat. 

Jaguar (Dullan Na Pelikula)

Jaguar
(Dullan Na Pelikula)


Oras ng labasan. Nagbu-bundy clock ang mga papalabas na mga MANGGAGAWA. Nasa tabi ng desk ng security guard ang bundy clock. Nakauniporme si POLDO, nakaupo sa gilid ng desk. May kasama syang GUWARDIYANG BABAE. Iniiksamin nilang dalawa ang mga bag ng mga trabahador. Ang mga lalaki'y kinapkapan ni Poldo. Dadaan si SONNY, may bitbit na attache case. Sasalubungin siya ni Poldo. Itataas ni Poldo ang palad sa harap ng mga nakapilang manggagawa, parang pulis na nagpapatigil ng trapik. Ang ekspresyon sa mukha ni Poldo ay parang nagsasabing: relaks lang muna kayo riyan; boss ito at dapat unahin. Uunahan ni Poldo si Sonny. Ipagbubukas ito ng salaming pinto. 
EXT. GASTON PUBLISHING HAPON
Susunod si POLDO hanggang sa kotse ni SONNY. Bubuksan ni Sonny ang pinto ng kanyang kotse. Hahawakan ni Poldo ang pinto habang pumapasok si Sonny. Saka sasarhan ang pinto matapos makaayos ng upo si Sonny. 

POLDO: Sir, sa Linggo, ha? Baka nyo makalimutan. 
SONNY: Ano'ng sa Linggo? 
POLDO: Yung piyesta sa'min. 
SONNY: Piyesta..a, oo. Hindi ko makakalimutan 'yan. 

Sasaludo uli si Poldo. Tatakbo patungo sa labasan ng driveway. Pasenyas- senyas at pasilba-silbato, pahihintuin niya ang trapik sa kalsada para makalabas ang kotse ni Sonny. 

EXT. SLUM AREA 1. TANGHALI
Piyesta sa komunidad. May kaunting banderitas na nakasabit. Sa harapan at lob ng mga bahay- bahay, MARAMING nagkakainan, nag-iinuman, at nagkakaingayan. 
EXT. BAHAY NINA POLDO. TANGHALI 
Nakatayo si POLDO sa harap, may inaabangan at mukhang inip na inip. Bihis na bihis siya. May hawak na bote ng beeer at kakaunti na ang laman. Sa background, MAY MATANDANG MAG- ASAWA AT DALAWANG APONG nakaupo sa dalawang mahabanh bangko kumakain. Kinakausap ng TIYUHIN ang matandang lalaki. Ang tiyahin ni Poldo at si MARISSA ay may dalang nga bandehado ng mga ulam at nag-aalok ng mga bisita na kumuha pa. Tinutukso-tukso ni totoy ang dalawang apo- kinakalabit ang batok, pinipitik ang tenga. Nasa isang tabi ang mesitang ginagamit ng tiyuhin sa trabaho. Malinis ito ngayon, walang nakapatong na mga kagamitan ng sapaterya. Sa tabi nito, may mahabang dram na natatakpan ng sako. Uubusin ni Poldo ang laman ng hawak na bote. Lalapitan ang mahabang dram. Ititindig ang basyo sa tabi ng dram. Hahawiin ang saka. Ang laman ng dram ay mga bote ng serbesa at malalaking tipak ng yelo. Kukuha si Poldo ng isang malamig na bote. Bubuksan niya ang bote sa pamamagitan ng ngipin. Iluluwa ang tansan. Tututungga siya. Habang ginagawa ito ni Poldo. Sa background ay makikitang lumalabas sa pinto ng bahay ang kapatid niyang si AIDA, kasama ang isang pulutong ng mga kaklase. Maingay at masaya, nagpapaalam kay Aida ang mga kaklase. Papasok sa bahay si Poldo, kasunod si Marissa. 
INT. BAHAY NI POLDO. TANGHALI 
Sa mesa ng komedor-kusina, nakalatag ang maraming pang ibang bandehado ng pagkain, puro may takip na wax paper. Nasa banggerahan si ALING ELENA, naghuhugas ng pinggan. 

ALING ELENA : Wala pa ba ang nga bisita mo, Poldo?
POLDO : (Ngumu-nguya) Wala pa ho, e. 
MARISSA : Hindi kana siguro sisiputin no'n kuya. Class yata yong boss mo, e. Hindi 'yon ang tipong tumutuntong sa barung-barong. 
POLDO : Oy, wag ka ngang sumali sa usapan ng matatanda, ha? MARISSA : Sayang ang pinambili mo ng beer. Sana kuwatro kantos nalang ang binili mo, Tayu-tayo lang pala ang iinom. 
POLDO : Ako ba'y talagang niloloko mo? 
ALING ELENA: Poldo, kumain kana. Pasado ala-una na, baka ka malipasan. Tapos na kaming lahat. 
POLDO : Kumakain na nga ho. Ano pa ba 'tong ginagawa ko? ALING ELENA : Ba't hindi ka kumuha bg pinggan at umupo nang maayos? Maiimpatso ka niyan sa ginagawa mo. Tamo, ni hindi ka nagkakakain. Ang dami naming kanin diyan. 
Nagsasalita pa si Aling Elena ay maririnig na ang boses ng TIYUHIN mula sa labas. 

TIYUHIN : (Voice over) Poldo! Mga bisita mo! Eto na! (sa mas mahinang boses) Tuloy na ho kayo, nasa loob ho si Poldo. Aida samahan mo ang mga bisita ng kuya mo. 
Mabilis na isusubo ni Poldo ang kapirasong ulam na hawak niya. Ipapahid ang daliri sa gilid ng mantel. Lakad-takbong pupuntahan ang pinto. Hustong pumapasok naman si Aida, kasunod sina SONNY, DIREK, CRISTY, EDMON, JING at BOSYO. Si Sonny ay may hawak na bote ng stateside whisky. 

POLDO : Tuloy kayo, tuloy. Akala ko hihiyain n'yo ko e. SONNY : (inaabot ang bote ng whisky kay Poldo) Pwede ba 'yon? Eto nga't may pasalubong pa ako. 
POLDO :' Nay mga….kaibigan ko…Boss ko ho, si…a…si Sonny. ALING ELENA : Magandang tanghali po. 
SONNY: Magandang tanghali po naman. 
ALING ELENA :O, Poldo, bigyan mo ng mga pinggan yang mga bisita mo. Aida, Marissa, tumulong muna kayo rito. 'Yong mga napkin, ilabas niyo. 

Habang kumukuha ng mga pagkain sina Sonny, abalang-abala si Poldo sa pag-iistima sa kanila. Excited sya, tuwang-tuwa. Si Cristy ay walang ekspresyon sa mukha, parang napilitan lang sa pagkakapunta rito. Si Sonny naman ay parang pulitikong nasa kanyang balwarte. 


POLDO : Itong morkon, Sonny, Direk - ito ang ispesyalidad ni inay. Cristy, kuha lang, ha? Jing, Edmon, abot lang. Bosyo. 
SONNY : O, Cristy, tikman mo raw 'tong morkon. Ikaw Poldo, huwag kang mahihiya,ha? Feel at home. 

EXT. BAHAY NINA POLDO. HAPON.
Malakas ang tawanan, parang karugtong ng tawanan sa nagdaang sequence (Eksena). Nagtawanan ang mga LALAKING BISITA ni Poldo. Lasing na ang lahat. Nakaupo sila sa magkaharap na bangko. Nasa gitna nila ang mesita ng sapatero. Nasa ibabaw nito ang bote ng beer; isang mangkok na na may lamang halos tunaw nang yelo; isang bandehadong pulutan. Nakatayo si Poldo sa may likuran ni Sonny, parang anghel de la guwardiya. Sa background, makikitang nakabukod si Cristy, kinukwentahan at iniistima ng husto ng Ina at mga kapatid ni Poldo. Nakikinig lang si Cristy. 

DIREK : (Iaabot kay Poldo ang mangkok)Wala na tayong yelo, Jaguar. 

Sa mababang dram, magtitipak ng yelo. Ibinubuhos ni Direk ang natitirang laman ng whisky sa baso niya. Umiihi si Bosyo sa isang sulok. Kumakanta si Sonny - wala sya sa tono. 

SONNY : " Si Bosyo kung umihi, sumasagitsut pa nang konti.." 

Hagalpakan na naman ng tawa. Bigla, makakarinig sila ng mga
hiyawan at pagkaingay sa di kalayuan. Mapapatingin ang lahat sa pinagmulan ng ingay. )


POV (point of view) NINA POLDO DALAWANG MATON nagmumurahan, naggigirian pormang magkakatirahan. Nakapaligid ang iba pang tambay at maton, nagmimiron, nanunulsullsol. Puro lasing ang mga ito. BALIK KINA POLDO Nakatingin pa rin ang lahat. Nakatayo na si Sonny. 

SONNY : Ano 'yon? 
POLDO : Wala 'yan. Talagang ganito dito kung piyesta- hindi nawawalan ng gulo. 

BALIK SA MGA MATON Biglang susugod ang ang isang MATON. Magkakasutunkan na ang dalawa. Titilapon si TAMBAY 1 sa hanay ng mga KABARKADA ng kalaban niya. Magsusuguran na rin ang mga barkada ni Tambay 1. BALIK KINA POLDO. Nakatayo na rin si Direk sa tabi ni Sonny.. 

SONNY : Labu-labo na brod. 
DIREK : Oo nga, brod. 

Magkakatinginan ang dalawa. Magtatawanan. Takang mapapatingin si Poldo sa kanila. Itataas nina Sonny at Direk ang kanilang mga baso, pagpipingkiin ang mga ito sa isang toast, at uubusin ang laman sa isang tungga. Pagkatapos, parang iidiyan na hihiyaw ang dalawa-"Yahoo!"- at mabilis na tatakbo papunta sa gulo. Saglit na mapapanganga si Poldo. Saka magmamadaling iiling-iling pa na para bang sinasabi sa sariling: eto na naman po kami. Patuloy lang sa pag-inom sina Edmon at Jing, parang walang napapansing kakaiba. Takot at nininerbiyos si Cristy. 

CRISTY : Sira-ulo talaga ang mga 'yon. 
JING :Magpapawis lang ang mga 'yon. Mag-aalis lang ng lasing. 
EDMON :'Yan ang katuwaan ng frat nila - rumble
CRISTY : Walang frat- frat dito. Baka sila malagyan ng gripo sa tagiliran. 

Sa labu-labo, nakaawa pa sina Sonny at Direk habang nakikipagsuntukan at nakikipagbalibagan. Sinundan-sundan ni Poldo si Sonny. Seryoso si Poldo. Bahagi ito ng trabaho niyang ipagtanggol ang kanyang amo. Sa kasusunod ni Poldo, masusuntok sya ng kalaban ni Sonny. Matatawa si Sonny sa nangyari. Bibirahin ni Poldo ang nakasuntok sa kanya. Titilapon ito. Magpa-flying kick si Direk. Makakailag ang tinatarget nya. Sa halip, si Poldo ang tatamaan. Iilandang ito, babalandra sa isang tabi. Grogi at nakasalampak sa putikan, may biglang maaalalasi Poldo. Ilalabas nya ang silbato sa bulsa. Sisibato siya ng malakas at sunud-sunod. May mga sisigaw ng "Parak! Parak! Magpupulasan ang mga naglalabu-labo. Maiiwan sina Sonny, Direk at Bosyo. Pagtatawanan nila si Poldo sa kinalalagyan niya. Mapapaangil na rin si Poldo. 

INT. BAHAY NINA POLDO. GABI
Nasa harap ng salamin si Poldo. Naglalagay ng merthiolate sa mga pasa-pasa sa mukha. Titestingin niya kung matatag pa rin ang panga niya. Sa bangerahan, naghuhugas, naghuhugas ng pinggan sina AIDA at MARISSA. Nakahiga sa sahig si Totoy, tulog. 

MARISSA:Kuya, tulungan mo naman kami dito. 
POLDO: Kayo ang babae, kayo ang maghugas. 
AIDA : Bisita mo ang gumamit nito a! Habang nagaganap ang pag- uusap na ito, papasok si aling Elena. Bubuhatin niya si Totoy at panunuorin si Poldo. 
ALING ELENA : Bakit naman ganun yung mga bisita mo, Poldo? Naturingan pa namang may pinag-aralan e nakikihalo sa may gulo ng me gulo? POLDO : Nakainom lang ho 'yon. 
ALING ELENA : At bakit pati naman ikaw e nagsasasali? Mga tagarito pa sa'tin ang inaway mo. 
POLDO : Amo ko ho 'yong napalaban, Inay, kelangan e damayan ko. Trabaho ko ho 'yon. 
ALING ELENA : Aba'y trabaho na pala ang basag-ulo? Kung ganyan rin lang, mabuti pa e maghanap ka na ng ibang trabaho. 

Tatalikod sa salamin si Poldo at haharapin ang ina. 

POLDO : Inay, hindi ko ho ipagpapalit itong trabaho ko ngayon. Palagay ko ho, narito ang asenso ko. Ngayon pa lang swerte na ako. ALING ELENA : Suwerte? 
POLDO : (tuloy-tuloy lang, parang walang narinig) Biro nyo may amo akong ang turing sa akin e kaibigan. May kaya 'yan, may tinapos. Ako hanggang hayskul lang, mahirap pa sa daga. Pero ang tingin sa'kin, pantay lang.parang kapatid. 
MARISSA : Kapatid ba 'yong lagay na 'yon? Ang tingin ko inaatsoy-atsoy ka ke,e. Saglit na matititigilan si Poldo. Pagkatapos ay babaling sa kapatid na nanlilisik ang mga mata. 
POLDO : ( NAGPIPIGIL NG GALIT) Ilang beses ko bang sasabihin sa'yong huwag kang makikihalo sa usapan ng matatanda.
g { � k l ��� �� awan ng kanyang anak, ang bagong kasuotan niyong may malaking lasong pula sa baywang, ang mga kaibigan niyong mga bata rin, ang kanilang mga handog. Ang anak niya’y anim na taong gulang na. Sa susunod na taon siya’y magsisimula na iyong mag-aral. At ibig ng guro naming maging manggagamot ang kanyang anak- at isang mabuting manggagamot.

Nasa bahaging iyon ang pagsasalita ng aming guro nang isang bata sa aking likuran ang bumulong: “Gaya ng kanyang ama!”
Narinig ng aming guro ang ang sinabing iyon ng batang lalaki. At siya’y nagsalita.
“Oo, gaya ng kanyang ama,” ang wika niya. Ngunit tumakas ang dugo sa kanyang mukha habang sumisilay ang isang pilit na ngiti sa kanyang labi.
Iyon ang una at huling pagbanggit sa aming klase ang tungkol sa ama ng batang may kaarawan.
Matitiyak ko noong may isang bagay ngang malisya sa buhay niya. Malisya nang ganoon na lamang. At habang nakaupo ako sa aking luklukan, may dalawang dipa lamang ang layo sa kanya, kumirot ang puso ko sa pagnanasang lumapit sa kanya, tanganan ang kanyang mga kamay gaya ng gingawa niya nang hapong iyon sa sulok ng silid-aklatan, at hilinging magbukas ng dibdib sa akin. Marahil, makagagaan sa kanyang damdamin kung may mapagtatapatan siyang isang taong man lamang. Ngunit, ito ang sumupil sa pagnanasa kong yaon; ang mga kamag-aral kong nakikinig ng walang anumang malasakit sa kanyang sinasabing, “Oo, gaya ng kanyang ama,” habang tumatakas ang dugo sa kanyang mukha.
Pagkatapos, may sinabi siyang hindi ko makakalimutan kailanman. Tinignan niya ako ng buong tapang na pinipigil ang panginginig ng mga labi at sinabi ang ganito : “Mabuti…mabuti gaya ng sasabihin nitong Fe-lyon lamang nakararanas ng mga lihim na kalungkutan ang maaaring makakilala ng mga lihim na kaligayahan. Mabuti, at ngayon, magsimula sa ating aralin…”
Natiyak ko noon, gaya ng pagkakatiyak ko ngayon na hindi akin ang pangungusap na iyon, ni sa aking mga pagsasalita, ni sa aking mga pagsusulat. Ngunit samantalang nakatitig siya sa akin ng umagang iyon, habang sinasabi niya ang pangungusap na iyon, nadama kong siya at ako ay iisa. At kami ay bahagi ng mga nilalang na sapagkat nakaranas ng mga lihim na kalungkutan ay nakakikilala ng mga lihim na kaligayahan.
At minsan pa, nang umagang iyon, habang unti-unting bumabalik ang dating kulay ng kanyang mukha, muli niyang ipinamalas ang mga nagtatagong kagandahan sa aralin naming sa Panitikan. Ang karikatn ng katapangan; ang kariktan ng pagpapatuloy anuman ang kulay ng buhay.

At ngayon, ilang araw lamang ang nakararaan buhat nang mabalitaan ko ang tungkol sa pagpanaw ng manggagamot na iyon. Ang ama ng batang iyong marahil ay magiging isang manggagamot din balang araw, ay namatay at naburol ng dalawang gabi at dalawang araw sa isang bahay na hindi siyang tirahan ni Mabuti at ng kanyang anak. At naunawaan ko ang lahat. Sa hubad na katotohanan niyon at sa buong kalupitan niyon ay naunawaan ko ang lahat. 

ANG KWENTO NI MABUTI Ni Genoveva Edroza-Matute







ANG KWENTO NI MABUTI
Ni Genoveva Edroza-Matute






Hindi ko siya nakikita ngayon. Ngunit sinasabi nilang naroroon pa siya sa dating pinagtuturuan, sa walang pintang paaralang una kong kinakitaan sa kanya. Sa isa sa mga lumang silid sa ikalawang palapag, sa itaas ng lumang hagdang umiingit sa bawat hakbang, doon sa kung manunungaw ay matatanaw ang maitim na tubig ng isang estero. Naroon pa siya’t nagtuturo ng mga kaalamang pang-aklat, at bumubuhay ng isang uri ng karunungan sa kanya ko lamang natutuhan.
Lagi ko siyang inuugnay sa kariktan ng buhay. Saan man sa kagandahan; sa tanawin, sa isang isipan o sa isang tunog kaya, nakikita ko siya at ako’y lumiligaya. Ngunit walang anumang maganda sa kanyang anyo… at sa kanyang buhay…
Siya ay isa sa mga pangkaraniwang guro noon. Walang sinumang nag-ukol sa kanyang ng pansin. Mula sa kanyang pananamit hanggang sa paraan ng pagdadala niya ng mga panunugutan sa paaralan, walang masasabing anumang pangkaraniwan sa kanya.
Siya’y tinatawag naming lahat na si Mabuti kung siya’y nakatalikod. Ang salitang iyon ang simula ng halos lahat ng kanyang pagsasalita. Iyon ang pumalit sa mga salitang hindi niya maalaala kung minsan, at nagiging pamuno sa mga sandaling pag-aalanganin. Sa isang paraang malirip, iyon ay naging salamin ng uri ng paniniwala sa buhay.
“Mabuti,” ang sasabihin niya, “… ngayo’y magsisimula tayo sa araling ito. Mabuti nama’t umabot tayo sa bahaging ito… Mabuti… Mabuti!”
Hindi ako kailanman magtatapat sa kanyang ng anuman kung di lamang nahuli niya akong minsang lumuluha; nang hapong iyo’y iniluha ng bata kong puso ang pambata ring suliranin.
Noo’y magtatakipsilim na at maliban sa pabugsu-bugsong hiyawan ng mga nagsisipanood sa pagsasanay ng mga manlalaro ng paaralan, ang buong paligid ay tahimik na. Sa isang tagong sulok ng silid-aklatan, pinilit kong lutasin ang aking suliranin sa pagluha. Doon niya ako natagpuan.
“Mabuti’t may tao pala rito,” wika niyang ikinukubli ang pag-aagam-agam sa narinig. “Tila may suliranin .. mabuti sana kung makakatulong ako.”
Ibig kong tumakas sa kanya at huwag nang bumalik pa kailanman. Sa bata kong isipan ay ibinilang kong kahihiyan ay kababaan ang pagkikita pa naming muli sa hinaharap, pagkikitang magbabalik sa gunita ng hapong iyon. Ngunit, hindi ako makakilos sa sinabi niya pagkatapos. Napatda ako na napaupong bigla sa katapat na luklukan.
“Hindi ko alam na may tao rito”….. naparito ako upang umiyak din.”
Hindi ako nakapangusap sa katapatang naulinig ko sa kanyang tinig. Nakababa ang kanyang paningin sa aking kandungan. Maya-maya pa’y nakita ko ang bahagyang ngiti sa kanyang labi.
Tinanganan niya ang aking mga kamay at narinig ko na klamang ang tinig sa pagtatapat sa suliraning sa palagay ko noo’y siya nang pinakamabigat.Nakinig siya sa akin, at ngayon, sa paglingon ko sa pangyayaring iyo’y nagtataka ako kung paanong napigil niya ang paghalakhak sa gayong kamusmos na bagay. Ngunit, siya’y nakinig nang buong pagkaunawa, at alam ko na ang pagmamalasakit niya’y tunay na matapat.
Lumabas kaming magkasabay sa paaralan. Ang panukalang naghihiwalay sa amin ay natatanaw na nang bigla akong makaalala.
“Siyanga pala, Ma’am, kayo? Kayo ng pala? Ano ho iyong ipinunta ninyo sa sulok na iyo na … iniiyakan ko?”
Tumawa siya ng marahan at inulit ang mga salitang iyon; “ang sulok na iyon na … iniiyakan natin… nating dalawa.” Nawala ang marahang halakhak sa kanyang tinig: “sana’y masabi ko sa iyo, ngunit… ang suliranin.. kailanman. Ang ibig kong sabihin ay … maging higit na mabuti sana sa iyo ang … buhay.”
Si Mabuti’y naging isang bagong nilikha sa akin mula nang araw na iyon. Sa pagsasalita niya mula sa hapag, pagtatanong, sumagot, sa pagngiti niyang mabagal at mahiyain niyang mga ngiti sa amin, sa paglalim ng kunot sa noo niya sa kanyang pagkayamot, naririnig kong muli ang mga yabag na palapit sa sulok na iyon ng silid-aklatan. Ang sulok na iyon,.. “Iniiyakan natin,” ang sinabi niya nang hapong iyon. At habang tumataginting sa silid naming ang kanyang tinig sa pagtuturo’y hinuhulaan ko ang dahilan o mga dahilan ng pagtungo niya sa sulok na iyon ng silid-aklatan. Hinuhulaan ko kung nagtutungo pa siya roon, sa aming sulok na iyong… aming dalawa…
At sapagkat natuklasan ko ang katotohanang iyon tungkol sa kanya, nagsimula akong magmasid, maghintay ng mga bakas ng kapaitan sa kanyang sinasabi. Ngunit, sa tuwina, kasayahan, pananalig, pag-asa ang taglay niya sa aming silid-aralan. Pinuno siya ng maririkit na guni-guni ang aming isipan at ng mga tunog ang aming pandinig at natutuhan naming unti-unti ang kagandahan ng buhay. Bawat aralin naming sa panitikan ay naging isang pagtighaw sa kauhawan naming sa kagandahan at ako’y humanga.
Wala iyon doon kanina, ang masasabi ko sa aking sarili pagkatapos na maipadama niya sa amin ang kagandahan ng buhay sa aming aralin. At hindi naging akin ang pagtuklas na ito sa kariktan kundi pagkatapos na lamang ng pangyayaring iyon sa silid-aklatan.
Ang pananalig niya sa kalooban ng maykapal, sa sangkatauhan, sa lahat na, isa sa mga pinakamatibay na aking nakilala. Nakasasaling ng damdamin. Marahil, ang pananalig niyang iyon ang nagpakita sa kanya ng kagandahan sa mga bagay na karaniwan na lamang sa amin ay walang kabuluhan.
Hindi siya bumabanggit ng anuman tungkol sa kanyang sarili sa buong panahon ng pag-aaral naming sa kanya. Ngunit bumanggit siya tungkol sa kanyang anak na babae, sa tangi niyang anak. .. nang paulit-ulit. Hindi rin siya bumabanggit sa amin kailanman tungkol sa ama ng batang iyon. Ngunit, dalawa sa mga kamag-aral naming ang nakababatid na siya’y hindi balo.
Walang pag-aalinlangan ang lahat ng bagay at pangarap niyang maririkit ay nakapaligid sa batang iyon. Isinalaysay niya sa amin ang katabilan niyon. Ang paglaki nang mga pangarap niyon, ang nabubuong layunin niyon sa buhay. Minsan, tila hindi namamalayang nakapagpapahayag ang aming guro ng isang pangamba ang pagkatakot niyang baka siya hindi umabot sa matatayog na pangarap ng kanyang anak. Maliban sa iilan sa aming pangkat, paulit-ulit niyang pagbanggit sa kanyang anak ay iisa lamang ang mga bagay na “pinagtitiisang” pakinggan sapagkat walang paraang maiwasan iyon. Sa akin, ang bawat pagbanggit na iyon ay nagkakaroon ng kahulugan sapagkat noon pa ma’y nabubuo na sa aking isipan ang isang hinala.
Sa kanyang magandang salaysay, ay nalalaman ang tungkol sa kaarawan ng kanyang anak, ang bagong kasuotan niyong may malaking lasong pula sa baywang, ang mga kaibigan niyong mga bata rin, ang kanilang mga handog. Ang anak niya’y anim na taong gulang na. Sa susunod na taon siya’y magsisimula na iyong mag-aral. At ibig ng guro naming maging manggagamot ang kanyang anak- at isang mabuting manggagamot.
Nasa bahaging iyon ang pagsasalita ng aming guro nang isang bata sa aking likuran ang bumulong: “Gaya ng kanyang ama!”
Narinig ng aming guro ang ang sinabing iyon ng batang lalaki. At siya’y nagsalita.
“Oo, gaya ng kanyang ama,” ang wika niya. Ngunit tumakas ang dugo sa kanyang mukha habang sumisilay ang isang pilit na ngiti sa kanyang labi.
Iyon ang una at huling pagbanggit sa aming klase ang tungkol sa ama ng batang may kaarawan.
Matitiyak ko noong may isang bagay ngang malisya sa buhay niya. Malisya nang ganoon na lamang. At habang nakaupo ako sa aking luklukan, may dalawang dipa lamang ang layo sa kanya, kumirot ang puso ko sa pagnanasang lumapit sa kanya, tanganan ang kanyang mga kamay gaya ng gingawa niya nang hapong iyon sa sulok ng silid-aklatan, at hilinging magbukas ng dibdib sa akin. Marahil, makagagaan sa kanyang damdamin kung may mapagtatapatan siyang isang taong man lamang. Ngunit, ito ang sumupil sa pagnanasa kong yaon; ang mga kamag-aral kong nakikinig ng walang anumang malasakit sa kanyang sinasabing, “Oo, gaya ng kanyang ama,” habang tumatakas ang dugo sa kanyang mukha.
Pagkatapos, may sinabi siyang hindi ko makakalimutan kailanman. Tinignan niya ako ng buong tapang na pinipigil ang panginginig ng mga labi at sinabi ang ganito : “Mabuti…mabuti gaya ng sasabihin nitong Fe-lyon lamang nakararanas ng mga lihim na kalungkutan ang maaaring makakilala ng mga lihim na kaligayahan. Mabuti, at ngayon, magsimula sa ating aralin…”
Natiyak ko noon, gaya ng pagkakatiyak ko ngayon na hindi akin ang pangungusap na iyon, ni sa aking mga pagsasalita, ni sa aking mga pagsusulat. Ngunit samantalang nakatitig siya sa akin ng umagang iyon, habang sinasabi niya ang pangungusap na iyon, nadama kong siya at ako ay iisa. At kami ay bahagi ng mga nilalang na sapagkat nakaranas ng mga lihim na kalungkutan ay nakakikilala ng mga lihim na kaligayahan.
At minsan pa, nang umagang iyon, habang unti-unting bumabalik ang dating kulay ng kanyang mukha, muli niyang ipinamalas ang mga nagtatagong kagandahan sa aralin naming sa Panitikan. Ang karikatn ng katapangan; ang kariktan ng pagpapatuloy anuman ang kulay ng buhay.

At ngayon, ilang araw lamang ang nakararaan buhat nang mabalitaan ko ang tungkol sa pagpanaw ng manggagamot na iyon. Ang ama ng batang iyong marahil ay magiging isang manggagamot din balang araw, ay namatay at naburol ng dalawang gabi at dalawang araw sa isang bahay na hindi siyang tirahan ni Mabuti at ng kanyang anak. At naunawaan ko ang lahat. Sa hubad na katotohanan niyon at sa buong kalupitan niyon ay naunawaan ko ang lahat. 

Luha ng Buwaya Ni Amado V. Hernandez

Luha ng Buwaya Ni Amado V. Hernandez

Kagagaling ni Badong, guro sa Sampilong, sa opisina ng Superindente sa kabisera ng lalawigan sapagkat tinagubilinan siyang manupang pansamatalang prinsipal sa kanilang nayon samantalang nagbabakasyon ang talagangprinsipal, si Maestro Putin. Dinalaw ni Badong si Pina, ang pinakamagandang dalaga sa nayon at anak ni Mang Pablo na pangulo ng PTA at sinusuyo ni Badong upang makipagbalitaan at magpalipad hangin ukol sa kanyang pagibig . Nalaman ni Badong na may pabatares sa pagapas kinabukasan si Mang Pablo. Sa gapasan, naging masaya ang mga manggagapas kait na lumabas si Donya Leona Grande, ang may ari ng pinakamalawak ng lupang sakahin sa Sampilong. Napakahigpit sa kasama si Donya Lena.
Nang ipaghanda sa bahay – asyenda ang dalawang anak ni Donya Leona, si Jun na nagtapos ng medisina at si Ninet na nagtapos naman ng parmasya, ang mga kasamang babae at lalaki ay hugos din sa bahay na bato sa pagtulong sa mga gawain at sa pagsisilbi sa mga panauhin. Naganap sa kasayahang ito ang kaguluhang kinasasangkutan ni Andres, isang iskuwater na nakita sa pook na tinaguriang tambakan. Nagawi sa Sampilong si Andres mula sa Maynila noong panahon ng Hapones sapagkat natandaang Sinabi ng yumaong ina na may kamag-anakan sila sa Sampilong. Nang matapo ang digmaan si Andres at ang kanyang mag-ina ay hindi na nagbalik pa sa Maynila.
Nakilala nang lubusan ni Badong si Andres nang ipinasok nito sa grade one ang anak na sampung taon. Inamuki ni Badong si Andres na magtayo ng cottage industries sa kanilang pook na mga eskuwater ngunit pagkatapos lamang na ayusin at linisin nila ang kanilang. Pumayag si Andres at ang mga eskuwater sa mungkahi ni Badong.
Bumuo ng isang samahan ang mga magsasaka at si badong ang tagapayo nito. Isinumbong ni Dislaw, ang engkargado at badigard ni Don Severo Grande, ang unyon ng mga magsasaka. Ikinagalit iyon ni Donya Leona lalo na nang tanggapin nito ang manipesto ng mga kahilingan ng mga magsasaka. Tumanggi si Donya Leona sa mga kahilingan ng mga magsasaka at ang mga ito naman ay tumangging gumawa sa kanilang mga saka.
Samantala’y nalinis at naayos nina Andres ang pook ng mga eskuwater at tinawag nilang Bagong Nayon. Sa tulong ni Badong, lumapit sila ni Andres sa Social Welfare Administration. Nangalap sila ng pondo mula sa mga kanayon at sinimulan nilang itayo ang kooperatiba ukol sa industriyang pantahanan.
Ngunit ang Bagong Nayon ay sinimulang kamkamin ni Donya Leona. Pagkatapos kausapin ang huwes ng bayan, isinampa ng mga Grande ang habla at ang ginamit na tanging ibedensiya ay isang lumang dokumento ng pagmamay-ari. Kinasapakat di Donya Leona ang alkalde na pinsan ni Donya Severo at ang hepe ng pulisya na inaanak naman sa kasal ng asawang Grande.
Lumaban ang mga eskuwater sa pamumuno ni Andres. Ang samahan ng mga magsasaka at ang kooperatiba ng mga eskuwater ay nagsanib sa tulong ng Badong sila ay nakakuha sa Maynila ng isang abogadong naging kaibigan ni Badong noong nag-aaral pa siya sa Maynila.
Sa isang pagkakataon , nakatagpo ni Andres si Ba Intern na pinakamatandang tao sa nayon. Sa pagtatanong ni Andres sa matanda, natiyak ni Ba Inern na si Andres ay apo sa tuhod ng yumaong mabait na kabesang Resong ng Sampilong. Mayaman sa Sampilong ang nuno ni Andres ngunit ng mamatay itoay napasalin sa mga magulang ni Donya ang mga aring lupa nito bago namatay . Sa pagtatanong ni Andres sa kanilang abogado. Nalaman niyang maaari pa niyang habulin ang lupa at pagbabayarin ng pinsala ang mga Grande.
Sa utos ni Donya Leona, naigawa ng kasong administratibo si Badong. Si Dislaw na karibal ni Badong kay Pina at si Hepe Hugo ng pulisya ang nakalagda sa sumbong. Nang dumating ang pasukan isang bagong prinsipal, si Mr. Danyos, ang dumating Sa Sampilong.
Noong sinagot ni Pina si Badong. Pinagtakaang halayin ni Disla si Pina, mabuti na lamang at dumalaw Si Badong na kung hindi naawat ng mga dumalo ay baka napatay si Disla. Sa nangyari, pinaluwas ni Donya Leona sa Maynila si Dislaw.
Sa gabi lihim na ipinahakot ni Donya Leona sa mga trak ang mga palay niya sa kamalig at ipinaluwas sa Maynila upang ipagbili sa Instik. Isang umaga nagisnan na lamang ng Sampilong na nasusunog ang kamalig ng mga Grande. Ibinintang ang pagkasunog ng kamalig sa mga pinuno ng unyon ng mga magsasaka at sa mga pinuno ng unyon ng mga magsasaka at sa mga pinuno ng kooperatiba ng mga eskuwater. Salamat na lamang at ang mayordoma sa bahay ng mga Grande, Si Iska ay nagalit kay Kosme na mangingibig niya at siyang inutusan ng Donya na sumunog sa kamalig, dahil sa hindi siya ang isinama ni Kosme sa Maynila kundi si Cely na kapatid ni Dislaw. Ipinagtapat ni Iska kay Sedes na asawa ni Andres ang lihim at ipinagtapat naman ni Sedes kay Badong.
Nahuli si Kosme at umamain sa kasalanan. Isinugod pa ni Andres ang paghabol sa hukuman sa lupa niyang kinamkam ng mga Granda. Dahilan sa kahihiyang tinamo , hinakot ng mga Grande sa Maynila ang mga kasangkapan at doon na nagpirmi. Sa Maynila, si Donya Leona ay nagkasakit at alta presyonat naging paralisado nang maataki. Si Don Severo naman ay nagkasakit ng matinding insomya.
Samantala, napawalang saysay ang hablang administratibo laban kay Badong at tiniyak ng superintende na siya ang ilalagay na prinsipal sa Sampilong sapagkat aalisin doon si Danyos dahil sa hindi makasundo ng mga guro at ng mga magulang ang mga bata.

Namanhikan sina Badong kina Pina at may hiwatig na siya ay ikakanditato pang alkalde ng kanyang mga kanayon sa susunod na halalan.